Panaginip

By: Marcelino R. Mallari
Kuwait

Nang gabing ika’y aking nakita
Puso ko’y agad umibig sa’yo sinta
Sa maamo mong mukha wari ko ba’y
Mata ko’y may anghel na nakita

Umaga ko’y laging may sigla
Nananabik sa gabing muling pagkikita
Mga ningning ng mapang-akit mong mga mata
Ang siyang tanging liwanag sa dilim ng gabi

Sa tuwing ika’y kapiling
Sa tuwing mahahagkan ang iyong labi
Sa tuwing yakap-yakap kita
Wari ko ba’y ako’y nasa langit sinta

Sana’y huwag nang matapos
Itong ligayang nadarama
Sapagkat sa piling mo sinta
Wala na akong hahanapin pa

Subalit bakit biglang naglaho ka sa paningin
Sabay dilat ng mga matang pagod sa pagkaka-pikit
Tirik na pala ang haring araw
Isang gabi na naman pala ang lumipas
Sayang…. Ikaw pala’y isang panaginip lamang...

Comments

Articles

Very Lovely articles. We would be happy if you also share your articles at this Number 1 Pinoy site. http://www.greatpinoy.com thanks

True Love

I love you, i don't know what else to say cause i luck for you more each day i need you, i want to feel your embrace and held the chance to touch your face..

i know that things are not worth for you to forgive me, i just want you to know that i'm holding on even if the pain dares me to let go..

if the time comes that we will be together, ill try my best not to hurt you, cause i can't help my self but to love you even more..